Thursday, November 10, 2016

ANG MGA KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN DELA CRUZ (Sipi) ni Jose F. Lacaba

ANG MGA KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN DELA CRUZ[i] (Sipi)
Jose F. Lacaba

1          Isang gabing madilim
2          puno ng pangambang sumakay sa bus
3          si Juan de la Cruz
4          pusturang-pustura
5          kahit walang laman ang bulsa
6          BAWAL MANIGARILYO BOSS
7          sabi ng konduktora
8          at minura
9          si Juan de la Cruz.

10        Pusturang-pustura
11        kahit walang laman ang bulsa
12        nilakad ni Juan de la Cruz
13        ang buong Avenida[ii]
14        BAWAL PUMARADA
15        sabi ng kalsada
16        BAWAL UMIHI DITO
17        sabi ng bakod
18        kaya napagod
19        si Juan de la Cruz.

20        Nang abutan ng gutom
21        si Juan de la Cruz
22        tumapat sa Ma Mon Luk[iii]
23        inamoy ang mami siopao
24        hanggang sa mabusog.
25        Nagdaan sa Sine Dalisay[iv]
26        tinitigan ang retrato ni Chichay[v]
27        PASSES NOT HONORED TODAY
28        sabi ng takilyera
29        tawa nang tawa.

30        Dumalaw sa Kongreso
31        si Juan de la Cruz
32        MAG-INGAT SA ASO
33        sabi ng diputado.
34        Nagtuloy sa Malakanyang
35        wala namang dalang kamanyang
36        KEEP OFF THE GRASS
37        sabi ng hardinero
38        sabi ng sundalo
39        kay Juan de la Cruz.

48        Pusturang-pustura
49        kahit walang laman ang bulsa
50        naglibot sa Dewey[vi]
51        si Juan de la Cruz
52        PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY
53        sabi ng neon.
54        Humikab ang dagat na parang leon
55        masarap sanang tumalon pero
56        BAWAL MAGTAPON NG BASURA
57        sabi ng alon.

58        Nagbalik sa Quiapo
59        si Juan de la Cruz
60        at medyo kinakabahan
61        pumasok sa simbahan
62        IN GOD WE TRUST
63        sabi ng obispo
64        ALL OTHERS PAY CASH.






65        Nang wala nang malunok
66        si Juan de la Cruz
67        dala-dala'y gulok
68        gula-gulanit na ang damit
69        wala pa ring laman ang bulsa
70        umakyat
71        sa Arayat[vii]
72        ang namayat
73        na si Juan de la Cruz.
74        WANTED DEAD OR ALIVE
75        sabi ng PC[viii]
76        at sinisi
77        ang walanghiyang kabataan[ix]
78        kung bakit sinulsulan
79        ang isang tahimik na mamamayan
80        na tulad ni Juan de la Cruz.




[i] sikat na tula noong panahon ng Batas Militar, binibigkas sa mga lansangan noon bilang protesta
[ii] Rizal Avenue sa Maynila
[iii] sikat na restawran ng mga pagkaing Tsino
[iv] sinehan sa Avenida
[v] sikat na komedyante noong panahong isinulat ang tula
[vi] kasalukuyang Roxas Boulevard
[vii] Arayat=bundok na kilala dati bilang pinagtataguan ng mga rebelde
[viii] Philippine Constabulary; Guardia Civil noong panahong iyon
[ix] mga aktibistang estudyanteng nagmumulat sa lipunan

ILOG ni Joey Ayala

ILOG
Joey Ayala

1          Ang buhay ko ay isang ilog,
2          umaagos tungo sa laot.
3          Sa pagdaloy ay lumiliku-liko
4          ngunit dagat pa rin ang inaabot.

5          Ang buhay mo ay isang ilog,
6          umaagos tungo sa laot.
7          Sa pagdaloy tayo'y nagkatagpo
8          at ngayon tayo'y magkaisang tungo.

9          Lilikha tayo ng bagong daan,
10        uukitin sa bato ang kasaysayan
11        at walang hadlang na 'di malalagusan
12        habang tayo ay magkaisang tunay.

Monday, July 25, 2016

liham ng pagpapaalam para sa interbyu



PAGPAPAALAM na MAG-INTERBYU sa LABAS ng PAARALAN

___ Hulyo 2016

Nagpapaalam po kaming isagawa ang interbyu na may sumusunod na detalye:

KAKAUSAPIN

PETSA at ORAS

TIYAK na LUGAR

KASAMANG NAKATATANDA


Naiintindihan po naming sarili namin itong pagkukusa,
at kami po ang responsable para sa aming kagamitan at kaligtasan.
Nangangako po kaming maging magalang at listo sa lahat ng panahon
tulad ng karapat-dapat sa mga Atenista.

Mga ESTUDYANTENG PUPUNTA
PIRMA















Ayon sa nakasulat, pinapayagan ito nina:


______________________________________
Pangalan at Pirma ng Magulang/Tagapag-alaga


______________________________________
Pangalan at Pirma ng Guro sa Filipino